MANILA, Philippines – Muling pinatunayan ng Tropang Texters na hindi lamang si import Terrence Jones ang maasahan nila sa krusyal na bahagi ng laro.
Umiskor sina Jones at big man Troy Rosario ng tig-24 points para akayin ang TNT Katropa sa 95-92 panalo laban sa nagdedepensang Barangay Ginebra sa Game One ng kanilang semifinals wars sa 2019 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
“Sa mga practices namin talagang ma-involve namin ‘yung mga temmates namin para sa mga ganitong sitwasyon,” ani Rosario ukol sa pagbangon ng Tropang Texters mula sa 62-72 agwat sa third period patungo sa pag-agaw sa 1-0 bentahe sa kanilang best-of-five semis duel ng Gin Kings.
Umarangkada ang TNT Katropa sa fourth period kung saan ang drive ni Jones sa huling 10.9 segundo ang nagbigay sa kanila ng 95-93 abante kasunod ang mintis na tres ni Joe Devance sa posesyon ng Ginebra.
Samantala, aminado si coach Caloy Garcia na dehado ang kanyang Rain or Shine sa kanilang best-of-five semifinals duel ng San Miguel.
Ngunit tiniyak niyang lalaban nang sabayan ang Elasto Painters sa Beermen, ang five-time PBA Philippine Cup champions.
Magtutuos ang Rain or Shine at San Miguel ngayong alas-6:30 ng gabi sa Game One ng kanilang semifinals duel sa Big Dome.
Tinakasan ng Beermen ang Elasto Painters, 89-87, sa unang pagtutuos nila noong Hulyo 13.