^

PM Sports

NU silver sa volleyball at bronze uli kay Mojdeh

Maribeth Repizo-Meraña, Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
NU silver sa volleyball at bronze uli kay Mojdeh

SEMARANG, INDONESIA – Nanakaw ng Pilipinas ang silver na medalya sa girls volleyball competition ng 2019 ASEAN School Games nitong Lunes sa Indonesia.

Nakaharap sa championship round ng mga Pinay volleybelles ang powerhouse na koponan ng Thailand kung saan ginulat nila ito nang maipwersa nila ang isang five-set match.

Pero kahit naging determinado at umariba ang mga Pinay sa torneo, napayuko pa rin sila ng Thailand, 20-25, 29-31, 25-19, 25-18, 9-15, para maiuwi ang pilak na medalya.

Bigo naman ang PHI-NU boys’ team na makatungtong sa final round ng boys’ volleyball nang padapain sila ng Thailand, 21-25, 20-25, 14-25.

Magarbo namang tinapos ni Swimming Pinas standout Micaela Jasmine Mojdeh ang kampanya ng Pilipinas nang muli itong bumasag ng Philippine national junior record sa swimming competition.

Nagningning na naman si Mojdeh matapos kubrahin ang tansong medalya sa girls’ 200m butterfly sa bilis na dalawang minuto at 19.51 segundo.

Binura nito ang dati niyang Philippine national junior record na 2:21.14 na kaniyang naitala sa Philippine Swimming Incorporated (PSI) Grand Prix National Finals may dalawang linggo na ang nakalilipas.

Ito ang ikalawang tanso ni Mojdeh kasama ang kanyang unang tanso sa 100m butterfly noong Sabado kung saan winasak din nito ang national junior record na 1:04.08 sa kanyang bagong 1:03.60.

Humirit din sina Phillip Joaquin Santos, Jordan Ken Lobos, Mervien Jules Mirandilla at Miguel Barreto ng tansong medalya sa boys’ 4x100m medley relay.

2019 ASEAN SCHOOL GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with