Kyle Korver pumirma sa Milwaukee
MILWAUKEE -- Pumayag si free-agent guard Kyle Korver na pirmahan ang one-year, $2.6 million deal sa Bucks, ayon sa kanyang agent na si Jeff Schwartz ng Excel Sports.
Mas pinili ni Korver na maglaro para sa Milwaukee dahil sa kanyang relasyon kay coach Mike Budenholzer matapos ikunsidera ang Philadelphia 76ers.
Naglaro ang 38-anyos na three-point shooter ng three-plus seasons para sa Atlanta Hawks ni Budenholzer noong 2015.
Isa si Korver sa mga ‘most accurate 3-point shooters’ sa kanyang he-nerasyon matapos magsalpak ng 43 percent sa 16-year NBA career niya at apat na beses pinamunuan ang liga sa 3-point accuracy.
Sasama siya sa tropa ng Bucks na nakapasok sa Eastern Conference finals at nagposte ng best regular-season record na 60-22.
Bagama’t binitawan si Malcolm Brogdon sa Indiana Pacers ay napalagda ng Milwaukee sina guards Wesley Matthews at Korver sa free agency.
Unang naglaro si Kor-ver para sa 76ers noong 2003 bilang second-round pick bago kumampanya para sa Utah Jazz, Chicago Bulls, Hawks at Cleveland Cavaliers.
- Latest