Mighty Sports sasagupa sa Indons

MANILA, Philippines — Magbabalik sa aksyon ang Mighty Sports laban sa Indonesia sa hangaring mapalakas ang tsansa sa ko­rona ng 41st William Jones Cup sa Changhua County Gymnasium sa New Taipei City, Taiwan.

Sisiklab ang laro nga­yong alas-3 ng hapon kung saan pakay ng Mighty Sports na mapa­natili ang malinis na kar­tada para makalapit sa asam na titulo ng prestihiyosong Asian invitational tournament.

Nagsosolo sa tuktok ng nasabing eight-team tournament ang koponan hawak ang 5-0 kartada at tatlong panalo na lang mula sa pagkumpleto ng sweep na ka­nilang nagawa noong 2016.

Nagtala ang Mighty Sports ng 22. 2-point win­ning margin kontra sa Iran (98-72), Jordan (90-76), Japan (94-59) at Ca­nada (116-87).

Noong Martes ay na­hirapan ang Mighty Sports kontra sa South Ko­rea bago umeskapo ta­ngan ang dikit na 89-82 pa­nalo.

Inaasahang babalik sa dating bangis ang mga ba­taan ni head coach Charles Tiu lalo’t kaga­ga­ling lang nila sa two-day break mula sa laban kontra sa SoKor.

Inaasahang mamu­mu­no sa atake ng Mighty Sports sina resident PBA imports Renaldo Balkman at Eugene Phelps ka­sama sina imports Mc­Kenzie Moore, Ha­mady N’Diaye, Zach Graham at locals Mikey Williams, Jason Brickman, Roose­velt Adams, Jo­seph Yeo, Je­­re­miah Gray at Gab Ba­­nal.

Show comments