Sapat na pahinga kailangan ni Pacquiao

Manny Pacquiao

MANILA, Philippines — Bibigyan si reigning World Boxing Association regular welterweight champion Manny Pacquiao ng magarbong pa­hinga bago ang unification bout nito laban kay Keith Thurman sa Linggo sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Ne­vada.

Sinabi ni strength and conditioning expert Justin Fortune na kailangan ito ni Pacquiao upang sariwang-sariwa ang Pinoy bo­­xing icon sa pagtungtong ng ring kontra sa WBA su­per welterweight titlist na si Thurman.

“Manny will be having a good rest before the fight,” pahayag ni Fortune.

Matinding training camp ang pinagdaanan nito ka­ya’t malaki ang magiging papel ng sapat na pa­hinga para makabawi ang katawan ni Pacquiao.

“He had a terrific, rigorous camp running the road and taking the gym. He, indeed, needs the break now that he had achieved what we wanted him to achieve,” dagdag pa ni Fortune.

Hindi makikita ang anumang kapaguran sa aura ni Pacquiao.

Tumakbo siya sa Griffith Park kasunod ang apat na rounds ng sparring sessions pa ang ginawa nito sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California bago tumulak patungong Las Vegas kasama ang buong de­legasyon ng Team Pacquiao.

Gusto pa sana ni Pacquiao na mahigit sa apat na rounds ang gawin nito.

Subalit pinigilan lamang ito ng coaching staff para makaiwas sa anumang injury o labis na pagka­pagod.

Sumusunod lamang sina Fortune, Freddie Roach at Buboy Fernandez sa itinakdang training program – walang labis, walang kulang.

“In balancing my body conditioning, my mind, and how I work hard, it depends on how I focus and work hard in training. Right now, I still hunger and I’m still enjoying this and happy to do a training preparation for the fight,” ani Pacquiao.

Bahagi na ng sistema ng katawan ni Pacquiao ang exercise.

“I really love exercise. I’m addicted to exercise. And even if I don’t have a scheduled fight, every day I exercise and I’m playing basketball four to five hours almost every day,” ani Pacquiao.

Show comments