Blatche sasalang sa ensayo ng Gilas

Si Gilas head coach Yeng Guiao kasama si Andray Blatche.

MANILA, Philippines — Lubos na ikinatuwa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang ma­agang pagdating ni na­turalized player Andray Blatche upang makumpleto ang Gilas Pilipinas sa papa­rating na 2019 FIBA World Cup sa China sa Agosto.

Ayon kay SBP president Al Panlilio, mala­king bagay ang early ar­rival ni Blatche na mag­bibigay sa koponan ng mas mahabang paghahanda para sa mabigat na misyong nag-aabang sa world basketball cham­pionships mula Agosto 31 hanggang Setyembre 15 sa Foshan.

“We are happy to wel­come Andray back in Manila,” ani Panlilio na kinatawan ni Special As­sistant to the President Ryan Gregorio sa pagsalubong kay Blatche kasama sina team manager Gabby Cui at head coach Yeng Guiao.

“It is a great development that he is here early to get reacquainted with his teammates and coaches as we get ourselves ready for the World Cup in China,” dagdag nito.

Bunsod ng mas mahaba at mas produktibong pag­hahanda sa maagang pagdating ng pambatong naturalized player na si Blatche, tiwala si Panlilio na maganda ang ipapa­ma­las ng Gilas sa world stage sa ikalawang sunod na edisyon kahit pa makakaharap nito ang mga powerhouse teams.

“It is a source of pride for our country to be in­cluded in the FIBA World Cup for the second straight time,” ani Panli­lio. “Our goal now is to compete and win against world class teams in our bracket.”

May ranggong No. 30 sa buong mundo, mapapasabak ang Gilas sa biga­ting Group D kasama ang No. 4 Serbia, No. 13 Italy at No. 39 Angola.

Ngayong narito na si Blatche ay inaasahang to­­todo sa ensayo ang Nationals ngayon sa Meralco Gym kasama ang kan­­yang mga kakampi na sina Gabe Norwood, Troy Rosario, RR Pogoy, JP Erram, Raymond Al­mazan, Japeth Aguilar, June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Paul Lee, Mark Barroca, Matthew Wright, Kiefer Ravena at gayundin sina PBA roo­kies Robert Bolick at CJ Perez.

Magpapatuloy ang en­sayo ng Gilas hanggang sa Agosto 4 kung saan sila lilipad sa Spain para sa isang mini pocket tournament kontra sa Spa­nish national team, Congo at Cote D’Ivoire hanggang Agosto 11.

Matapos iyon ay ba­ba­lik sa ensayo ang Gilas sa bansa para sa scrimmages kontra sa Austra­lian club na Adelaide 36ers sa Agosto 23 at 25 ba­go sila tuluyang pumunta ng Foshan, China pa­ra sa pretihiyosong quadrennial sports bas­ket­­ball joust.

 

 

Show comments