Westbrook-Harden duo sa Houston Rockets
LAS VEGAS -- Muling magsasama ang dating magkakamping sina Russell Westbrook at James Harden habang umalis naman si Chris Paul para ma-tuloy ang nasabing reunion .
Ibinigay ng Oklahoma City Thunder si Westbrook sa Houston Rockets kapalit ni Paul sa nasabing palitan ng dalawang top point guards.
Makukuha rin ng Thunder mula sa Rockets ang first-round picks sa 2024 at 2026 at ang karapatang ipagpalit ang first-rounders sa dalawa pang seasons.
Inaasahang pormal na ihahayag ng dalawang koponan ang nasabing trade.
Si Paul ay isang nine-time All-Star, samantalang si Westbrook ay isang eight-time selection.
Nagtala si Paul ng 9,181 career assists, ang pinakamarami sa hanay ng mga active players.
Tumipa naman si Westbrook ng 138 triple-doubles para makatabla si Magic Johnson para sa second-most sa NBA history sa likod ni Oscar Robertson (181).
Magiging pamatay ng Houston sa backcourt sina Westbrook, ang NBA MVP noong 2017 at Harden, nakamit ang nasabing parangal noong 2018. Sina Harden (11,958 points) at Westbrook (10,025 points) ay ang dalawang highest scorers sa huling limang seasons.
Tatlong season nagsama sina Westbrook at Harden sa kampo ng Thunder na ang huli ay noong 2011-12 kung saan nakatuwang nila si Kevin Durant sa paggiya sa Oklahoma City sa NBA Finals.
Natalo sila kina LeBron James, Dwyane Wade at sa Miami Heat, 4-1 sa nasabing title series.
Nauna nang dinala ng Thunder si Paul George sa Los Angeles Clippers na nagtakda sa kanilang pagta-tambal ni 2019 NBA Finals MVP Kawhi Leonard, igi-niya ang Toronto Raptors sa una nitong NBA crown.
Nakuha ng Oklahoma City ang limang first-round future selections bilang bahagi ng George trade.
Ang iba pang superstars na lumipat sa ibang koponan ay sina Durant (Brooklyn Nets), Anthony Davis (Los Angeles Lakers), All-Star point guards like Kyrie Irving (Brooklyn Nets), Kemba Walker (Boston Celtics), D’Angelo Russell (Golden State Warriors) , Jimmy Butler (Miami Heat) at Al Horford (Philadelphia 76ers).
- Latest