SAN ANTONIO - Inihayag ng Spurs ang pagpapapirma kay free-agent forward Marcus Morris sa isang two-year, $20 million contract na may player option sa ikalawang taon.
Si Morris ay naging unrestricted free agent matapos ang nilagdaang four-year, $20 million contract para sa Boston Celtics.
Naglaro ang 29-anyos na forward ng dalawang seasons sa Celtics, kumuha sa kanya noong 2017 bilang bahagi ng Avery Bradley trade sa Detroit Pistons.
Sa kanyang paglalaro sa Boston ay naglista si Morris ng mga averages na 13.9 points at 6.1 rebounds sa 75 games noong nakaraang season.
Sa Utah, kinumpleto ng Jazz ang pagpirma ni forward Bojan Bogdanovic sa four-year, $73 million contract.
“We are very pleased to welcome Bojan and his family to our organization,” sabi ni Utah executive vice president of basketball operations Dennis Lindsey.
Sa Detroit, lumagda naman si dating NBA MVP Derrick Rose sa Pistons ng isang $15 million, two-year deal.
Sa New York, opisyal na ang kasunduan sa Brooklyn at hindi lamang babaguhin ni Kevin Durant ang kanyang jersey number kundi maging ang address niya.
Nakumpleto ng Nets ang isang sign-and-trade sa Golden State Warriors kahapon kung saan nakuha ng Brooklyn si Durant kasama ang isang 2020 protected first-round pick draft kapalit nina D’Angelo Russell, Shabazz Napier at Treveon Graham.
Sinabi ni Durant noong nakaraang linggo na pi-pirma siya sa isang max deal sa Nets na nagkakaha-laga ng $141 milyon sa loob ng apat na taon matapos ang tatlong seasons niya sa Golden State.
“Along with the rest of the league, our coaching staff has long admired Kevin’s incredible skill, resi-lience and tenacity,” sabi ni Nets coach Kenny Atkinson kay Durant. “He has already established himself as a champion and one of the best players of all-time, and we couldn’t be more excited to welcome him into our program in Brooklyn.”
Hindi pa makakapaglaro si Durant sa darating na season dahil sa kanyang pagrekober mula sa Achilles injury.
Sa kanyang pagsusuot ng uniporme ng Brooklyn ay makakasama niya si guard Kyrie Irving. Mula sa dating No. 35 ay dadalhin ni Durant ang No. 7.
Nakuha naman ni Russell ang $117 million, four-year contract sa Warriors.