NakakabiliB ang Team Mali
Magandang inspirasyon sa lahat ang ipinakita ng Team Mali sa katatapos na FIBA U19 World Cup sa Heraklion, Greece kung saan tumapos na fighting 14th ang Gilas Pilipinas Youth.
Isang maliit na bansa sa Africa na meron lamang population na humigit kumulang 20 million pero nagawa nilang bumuo ng programa na nakaabot sa U19 World Cup finals bago natalo sa eventual champion na Team USA.
Never pa silang umabot sa regular men’s World Cup at dalawang beses pa lamang nakalaro sa U19 world meet kung saan nanalo lamang ng isang beses pero sa Heraklion, bigla silang naging wonder team at binigyan ng karangalan ang buong African region. Bago ang 2019 event, 11th place lamang ang pinakamataas na tinapos ng kahit sinong African team sa tournament.
Kung kinaya ng Mali, ang ibig sabihin ay kaya rin ito ng marami pang ibang koponan.
***
Ang Gilas Youth ay pauwi sa bansa dala ang kara-ngalan na best Asian team (No. 14 overall) dahil sa panalo kontra China. One notch up pa sana ang Phl boys kung hindi natalo sa endgame versus New Zealand.
Ito ang unang participation ng bansa sa U19 World Cup mula nang tumapos na 10th out of 12th ang Joel Banal-skippered Phl team sa unang world youth noong 1979 sa Salvador, Brazil.
Inilampaso ng Pilipinas ang Egypt, 126-68 sa kanilang finals game noon.
Kasama ni Banal sa koponan ang iba pang future PBA players noon na sina Biboy Ravanes, Rad Pasco, Marte Saldana, Bai Cristobal, JB Yango, Yoyoy Villamin, Salvador Ramas, Garry Vargas, Geronimo Lucido, Chito Loyzaga at Hector Calma.
Sa Heraklion, nagwagayway ng Phl flag sina Gerry Abadiano, Miguel Andre Oczon, Dalph Andre Panopio, Terrence John Fortea, Xyrus Dane Torres, Sean Dave Ildefonso, James Daniel Spencer, Rhayyan Amsali, AJ Edu, Carl Vincent Tamayo, Shaun Chiu at Kai Sotto.
- Latest