MANILA, Philippines – Handa na ang armas ni reigning World Boxing Association (WBA) regular welterweight champion Manny Pacquiao na gagamitin nito laban kay American fighter Keith Thurman sa Hulyo 20 (Hulyo 21 sa Maynila) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.
Ito ang ipinagmalaki ni strength and conditioning expert Justin Fortune kung saan konting polishing na lamang ang ginagawa ng coaching staff upang mas maging mabagsik si Pacquiao sa mismong laban.
Nagbigay ng warning si Fortune dahil isang mabangis na kamao mula kay Pacquiao ang lalapat sa mukha at katawan ni Thurman sa oras na magkrus ang kanilang landas.
“He [Thurman] is not stronger while he [Pacquiao] throws punches like a jr. middleweight, it’s ridiculous how much. And the speed on top of it makes these punches much more devastating,” ani Fortune sa panayam ng Coffee with the Goose.
Nasilayan ang bagsik ni Pacquiao sa kanyang mga nakalipas na laban kung saan ilan sa mga ito ang dumiretso pa sa hospital dahil sa lakas ng tamang natamo sa laban.
“Look at his opponents, win or lose they have been through an absolute war with Pacquiao, most going to the hospital afterward. Their faces are messed up. They may have a black eye or a little bit of gray here and there, but they are jacked up man,” dagdag ni Fortune.
Halos 90 porsiyentong handa na si Pacquiao, ayon kay Fortune.
Ngunit ayaw ng coaching staff na madaliin ang kanyang peak.
Mas maganda aniyang makuha ang perpektong kondisyon ilang araw bago ang laban.
Isa na namang bagong sparring partner ang pumasok sa training camp sa ngalan ni La-zaro Lorenzana na pu-malit kay Jesse Roman.
Agad na sumalang si Lorenzana sa sparring session kasama si Pacquiao sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California.
Dumalaw din si da-ting Mexican fighter Erik Morales kay Pacquiao sa tahanan nito sa Plymouth St. Hancock Park para sa interview sa isang Mexican television show.