^

PM Sports

Lady Troopers pinitas ang no. 3 seat sa semis

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mabilis na pinataob ng Pacific Town-Army ang BanKo Perlas, 25-18, 25-14, 25-20, para ma­sungkit ang No. 3 seed sa semifinals ng 2019 Premier Volleyball League Reinforced Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Halimaw si Ukrainian import Olena Ly­mareva-Flink matapos maglista ng 29 points mula sa 23 attacks at 6 aces para pa­munuan ang Lady Tro­opers sa ma­gar­bong pag­tatapos sa eli­minas­yon.

Nakamit ng Pacific Town-Army ang ikatlong puwesto.

“Ito ‘yung A-game na­min. Sabi ko lang na­man sa kanila na ma-exe­cute lang namin ‘yung first touches na­min nang maayos like serve at receive, everything will follow. With the help of Olena and Je­nelle (Jordan), it’s easy for us to win,” sabi ni La­dy Troopers coach Kungfu Reyes.

Nagtala si American middle hitter Jenelle Jordan ng 11 points, ha­bang kumana si wing spi­ker Honey Royse Tubino ng 7 markers.

Naramdaman si­na ve­teran hitters Jovelyn Gon­­zaga at Mary Jean Balse-Pabayp sa pi­nag­samang 8 hits.

Nagpasabog ang La­dy Troopers ng kaliwa’t ka­nang bomba para ma­kalikom ng 42 spikes at 10 aces laban sa Perlas Spikers na bigong ma­kaporma sa buong panahon ng laro.

Dahil sa kabiguan ay bumagsak ang Perlas Spikers sa 4-6 marka at nahulog sa No. 4 spot.

Walang manlalaro ang BanKo Perlas ang na­­­kapagtala ng double fi­­­gures.

Sa ikalawang laro, ti­napos ng Creamline ang eliminasyon nang ipako ang 25-19, 25-15, 25-18 pa­nalo laban sa BaliPure.

Hindi naglaro si setter Jia Morado da­hil sa shoulder injury ngu­nit maganda ang inilaro ni Kyle Negrito na may 17 excellent sets.

 

LADY TROOPERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with