Haggerty itatampok sa ONE: Dawn of Heroes

MANILA, Philippines – Papagitna ang mga susunod na world champions sa ONE: Dawn of Heroes sa Agosto 2 sa Mall of Asia sa Pasay City.

Itatampok sa event na ito ang ONE flyweight muaythai titlist na si Jonathan Haggerty para sa kanyang kauna-unahang title defense kontra kay Rodtang Jitmuangnon.

Nakamit ni Haggerty ang korona matapos ta-lunin si legendary Sam-A Gaiyanghadao sa ONE: For Honor noong Mayo.

Inaasahan namang bibigyan ni Rodtang, ang taguring “The Iron Man” at may 300 professional bouts, na magandang laban si Haggerty.

Samantala, magtutuos naman sina Pinoy superstar Eduard Folayang at Eddie Alvarez.

Sa ONE: A New Era sa Japan ay naisuko ni Folayang ang kanyang suot na ONE lightweight title via first-round submission kay Shinya Aoki kung saan natalo din si Alvarez via first-round TKO kay Timofey Nastyuhkin.

Dahil dito ay nasibak si Alvarez sa ONE Lightweight World Grand Prix.

Umabante naman si Demetrious “Mighty Mouse” Johnson sa semifinal round ng ONE Flyweight World Grand Prix mula sa kanyang second-round submission win kay Yuya Wakamatsu.

Babalik si Johnson sa aksyon sa pagharap kay Japanese Tatsumitsu Wada, tinalo si Olympic wrestler Gustavo Balart via unanimous decision sa quarterfinal.

Ang mananalo sa Johnson-Wada fight ang sasagupa sa mananaig sa upakan nina Danny Kingad at Kairat Ahkmetov para sa finals.

 

Show comments