MANILA, Philippines – Hindi man umabot sa 40 points o higit pa ang produksyon ni super import Terrence Jones ay marami naman siyang ginawa.
Humakot si Jones ng 39 points, 17 rebounds at 7 blocks para tulungan ang TNT Katropa sa 109-102 pagpapabagsak sa Columbian at solohin ang liderato ng 2019 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Dumiretso ang Tropang Texters sa kanilang pang-limang sunod na panalo kasabay ng pagpapalasap sa Dyip ng ika-limang kabiguan sa anim na laban.
‘Medyo we were struggling plus give cre-dit to Columbian for gi-ving us a hard time,” sabi ni TNT Katropa coach Bong Ravena, nakahugot kay guard Jayson Castro ng 22 markers, 6 assists, 5 boards at 2 steals.
Kinuha ng Dyip ang 29-22 bentahe sa pagsisimula ng second quarter bago nagpakawala ang Tropang Texters ng 24-8 bomba para ilista ang nine-point lead, 46-37, sa 3:17 minuto ng second period.
Nakakadikit ang Columbian sa halftime, 50-51, patungo sa pagpoposte ng 64-56 kalamangan mula sa jumper ni No. 1 overall pick CJ Perez sa 6:39 minuto ng third canto na bahagi ng kanilang 14-5 atake.
Bumangon ang TNT Katropa at inilista ang 14-point advantage, 94-80, sa huling 4:54 minuto ng final canto hanggang isalpak ni Jones ang dalawang free throws para sa kanilang 100-89 abante sa nalala-bing 1:45 minuto.