Palicte bigo kay Ioka
MANILA, Philippines — Bigo si Aston Palicte na makuha ang world title matapos lumasap ng 10th-round knockout loss kay Ja-panese Kazuto Ioka sa kanilang World Boxing Organization (WBO) super flyweight bout noong Miyerkules ng gabi sa Makuhari Messe Event Hall sa Chiba, Japan.
Maganda naman ang simula ni Palicte na nagpakawala ng solidong kumbinasyon mula sa una hanggang sa ikaanim na rounds ng laban.
Subalit nanatiling matatag si Ioka sa mga sumunod na rounds para mapabagal si Palicte.
Sa 10th round ay nagpakawala na ng kaliwa’t kanang atake si Ioka dahilan upang itigil na ni Referee Kenny Chevalier ang laban para hindi na maagrabyado pa si Palicte.
Ito ang unang KO loss ni Palicte na nahulog sa 25-3-1 record tampok ang 21 knockouts.
Sa kabilang banda, itinanghal si Ioka na four-division world champion – ang kauna-unahang Ja-panese fighter na nakagawa ng naturang tagumpay.
Umangat sa 24-2 (14 KOs) ang marka ni Ioka.
- Latest