^

PM Sports

Pinoy dapat ang manalo sa Le Tour

Russell Cadayona - Pang-masa

TAGAYTAY CITY, Philippines — Kung mayroon mang dapat magkampeon sa 2019 Le Tour de Filipinas, ito dapat ay isa na namang Pinoy.

Ito ang deklarasyon nina El Joshua Carino ng Philippine national team, Mark Galedo ng Celeste Cycles at Felipe Marcelo ng 7-Eleven Cliqq-Air21.

“Hangga’t maaari sana, isang Pinoy ulit ang mag-champion,” sabi ni Carino, nagkampeon noong nakaraang taon. “Kung makakatulong ako, bakit hindi.”

Hangad ni Carino na maging kauna-unahang back-to-back champion ng Category 2.2 event na may basbas ng International Cycling Union (UCI).

Pakakawalan ngayong umaga ang Stage One ng Le Tour sa distansyang 129.50 kilometro na sisimulan at tatapusin sa Tagaytay City Praying Hands Monument.

Ang krusyal na Stage Two 194.9 kms ay nakatakda bukas mula sa Pagbilao, Quezon hanggang sa Daet, Camarines Norte kasunod ang Stage Three 183.70 kms sa Linggo mula sa Daet patungo sa Legazpi City, ang Stage Four 176.00 kms sa Lunes buhat sa Legazpi City via Sorsogon at Gubat pabalik sa Albay capital at ang Stage Five 145.80 kms sa Martes sa Legazpi City via Donsol sa Sorsogon.

“Nandiyan na ‘yung veterans’ move na sisilip ka ng pagkakataon para makabanat ka,” sabi naman ni Galedo, ang 2014 champion.

LE TOUR DE FILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with