Parks masusubukan
MANILA, Philippines — Ito na ang pinakamabigat na pagsubok para kay No. 2 overall pick Ray Parks Jr. at sa Blackwater.
Target ang ikaanim na panalo para masolo ang liderato, lalabanan ng Elite ang San Miguel Beermen nga-yong alas-4:30 ng hapon sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa MOA Arena sa Pasay City.
Puntirya ni Parks at ng Blackwater ang kanilang ikatlong sunod na ratsada para makawala sa pagkakatabla sa NorthPort, habang hangad ng San Miguel ang una nilang panalo sa ikatlo nilang pagsalang.
“We just need to focus and play together as a team,” sabi ni Elite veteran forward Allein Maliksi sa pagharap nila sa Beermen, ang ‘five-peat’ Philippine Cup champions.
Bukod kina Parks at Maliksi muli ring aasahan ng Blackwater sina import Alex Stepheson, Mac Belo at Mike Digregorio katapat sina one-time PBA Best Import Charles Rhodes, five-time PBA MVP June Mar Fajar-do, Arwind Santos, Alex Cabanoit at Chris Ross ng San Miguel.
Ayon kay mentor Leo Austria, hindi pa ito ang panahon para pindutin niya ang ‘panic button’.
“Pero if we’re going to make our move, the sooner the better dahil napakahirap maghabol, lalo na sa conference na ito na maraming nagpalakas at lahat ng imports magaga-ling,” wika ni Austria.
Sa ikalawang laro sa alas-7 ng gabi ay magtutuos naman ang kapwa wala pang panalong Magnolia at NLEX.
Ipaparada ng Road Warriors ang bagong hugot na si guard Jericho Cruz, kasama sa three-team trade sangkot ang TNT Katropang Texters at NorthPort.
“We need all the help we can get, and we’re hoping Jericho can supply that,” sabi ni NLEX assistant coach Jojo Lastimosa kay Cruz.
- Latest