^

PM Sports

Helterbrand maglalaro para sa Imus Bandera

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines – Magbabalik sa hardcourt ang dating Barangay Ginebra point guard na si Jayjay Helterbrand matapos pumayag na maging pinakabagong miyembro ng Imus Bandera sa paparating na Season 3 ng Maharlika Pilipinas Basketball League.

Mismong ang 43-anyos na si Heltebrand ang nagkumpirma sa naturang ulat matapos ang opis­yal na anunsyo sa kanyang social media account na @jayhelterbrand.

“It’s official,” pahayag ni Helterbrand. “I feel excited to be lacing it up again competitively and to be doing what I love.”

Dalawang taon nang retirado sa competitive pro-basketball si Heltebrand na huling naglaro no­ong 2016 matapos magkampeon ng Gin Kings sa PBA Governors’ Cup.

Matapos ito ay panay exhibition games na lang ang sinalihan ni Helterbrand kabilang ang PBA Le­gends ‘Return of the Rivals’ noong nakaraang Pebrero kung kailan siya hinirang na MVP para sa Ginebra legends kontra sa Purefoods greats.

Sa ngayon ay kasalukuyan pa ring naglalaro si Heltebrand sa Ginebra legends team na kasali sa four-team tournament na binansagang UNTV Cup PBA Legends Faceoff kasama rin ang Purefoods, Alaska at San Miguel.

Bagama’t may edad na ay sasandal ang Imus Ban­dera sa malawak na karanasan ni Helterbrand na 17 taon na nag­laro sa PBA para lamang sa Ginebra, kinuha siya bilang direct hire noong 2000.

Anim na beses nagkampeon si Helterbrand sa PBA sahog pa ang prestihiyosong MVP award no­ong 2009, dalawang Best Player of the Conference awards at Finals MVP noong 2007.

Umaasa ang Imus Bandera sa mga parangal na ito ni Helterbrand na magiging alas niya para madala sa playoff campaign ang koponan.

Bumagsak sa pang-pitong puwesto ang Imus no­­ong nakaraang MPBL season hawak ang 11-14 ba­raha bago natanggal sa quarterfinals ng South Division matapos ang 1-2 series loss kontra sa Season 1 champion na Batangas.

HELTERBRAND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with