Alden mahilig mag-share!

Alden Ri­chards

Ang ganda naman ng ginawa ni Alden Ri­chards na charity work para sa mga Mangyan ng Mindoro, Salve.

Nagpatayo si Alden ng school sa Mindoro para makapag-aral ang mga kapatid natin na Mangyan.

Malaking bagay ang naisip ng isang big star na gaya ni Alden na mag-donate ng classroom para sa mga Mangyan.

Ang kabutihan ni Alden sa kapwa, lalo na sa mga less-fortunate ang dahilan kaya patuloy ang pagdating sa kanya ng mga blessing.

Hindi maramot si Alden, marunong siya na mag-pay forward at mag-share ng biyaya sa mga nangangailangan.

May ibang mga artista na kasing-sikat ni Alden pero hindi sila marunong mag-share ng blessings nila.

Marunong din si Alden na tumanaw ng utang na loob dahil tuwing December, looking forward ang entertainment press sa kanyang Christmas treat.

Walang umuuwi na luhaan sa Christmas party ni Alden for the entertainment press dahil buhos din siya sa pagbibigay ng biyaya.

Kung tutularan ng ibang artista ang good deeds ni Alden para sa ating mga mahihirap na kababa­yan, mababawasan ang paghihirap na nararanasan ng lipunan natin.

Dahil sa malaking tulong na ginawa ni Alden para sa mga Mang­yan, hindi kataka-taka na siya lang ang nag-iisang idolo ng indigenous group sa Mindoro.

Vic at Pauleen perfect example ng pinagtagpo at itinadhana

Alam mo Salve, siguro dahil mga alaga ko mostly ay lalaki kaya nasaksihan ko din iyong moments nila na emotionally upset sila, iyong mga panahon na down na down sila dahil may naging problema sa lovelife nila.

Akala kasi ng iba, babae lang ang nasasaktan pag may break up, hindi nila alam na mas malakas pa ang tama ng pain sa mga lalaki. How sad lalo pa nga at sa kultura natin laging lumalabas na parang ang babae lang ang nasaktan, laging may kasalanan lalaki.

Unfair ang paniniwala na iyan. Iyong relationship parang partnership iyan, pareho kayong naglagay ng puhunan, pareho kayong lugi pag naghiwalay.

Sabi nila pag ginawa tayo ni God meron na siyang ginawa na partner natin, iyon nga lang kung minsan matagal natin siya makikita, matagal natin mahahanap at along the way hayun, meron tayo magiging partner na hindi pala iyon para sa atin.

Kaya siguro huwag lang magmadali, huwag lang mainip, maghintay lang hanggang matagpuan mo. Perfect example si Vic Sotto at Pauleen Luna. Matagal magkasama sa Eat Bulaga, open story ang mga naging buhay nila, tapos in the end, sila pala ang ginawa para sa isa’t isa.

You cannot make your own destiny, you cannot change your fate. Basta sundan mo lang iyong path na ginawa para sa iyon dahil sa dulo makukuha mo rin ang para sa inyo.

Show comments