^

PM Sports

Coronation ng Binibini na-delay sa generator!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Coronation ng Binibini na-delay sa generator!

Ang Grand Coronation Night ng Binibi­ning Pilipinas 2019 noong Sunday night sa Smart Araneta Coliseum.

Bago mag-8:30PM ay nagsimula na ang ta­ping ng nasabing beauty pageant na sina Richard Gutierrez at Anne Curtis ang mga nag-host. Nagkaroon lang ng almost 1 1/2 hours na technical delay sa taping dahil nagkaroon daw ng problema sa generator.

‘Yung last part ay ni-live na ng ABS-CBN kaya past 1:00AM na sila nakauwi.

Si Richard nga ay puyat nang makausap ko kahapon dahil halos 3:00AM na siya nakarating sa bahay nila ni Sarah Lahbati.

Natuwa si Richard sa mga papuri sa kanila ni Anne bilang hosts ng Grand Coronation Night ng Binibining Pilipinas 2019.

Batian nina Annabelle at Heart hindi na big deal

Nagkita sa nasabing beauty pageant ang talent manager na si Annabelle Rama at ang dati niyang talent na si Heart Evangelista na kasama naman ang mister na si Sorsogon Governor-elect Chiz Escudero.

Naghihintay ang mag-asawa na i-guide sila sa kanilang uupuan nang dumating si Bisaya.

Bumati ang mag-asawa kay Bisaya.

Binati rin naman ni Bisaya si Heart, pati ang mister nito.

Hindi big deal ang pagbabatian nilang ‘yon dahil ayon kay Bisaya, ilang beses na silang nagkita ni Heart sa mga event at bumabati naman ito sa kanya.

May ilang mga fan lang talaga na hindi pa rin makapag-move-on sa naging sigalot noon ng dalawa.

Kara Mia magbababu na!

Mag-a-announce na ang GMA-7 na malapit nang mag-finale ang Kara Mia na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz.

Pero hindi sigurado ang mga taga-Kapuso network kung ang Rosang Agimat ba na nagte-taping na ang series na papalit sa Kara Mia.

Hindi pa raw kasi sinasabi ng GMA-7 management kung ‘yun na ba talaga ang kapalit ng Kara Mia.

Kung matatandaan, sa set ng Rosang Agimat nagkaroon ng freak accident ang veteran actor na si Eddie Garcia na dahilan para maratay ito sa hospital.

Samantala, going back to Kara Mia, kahit daw hindi nito natalo sa rating game ang katapat na FPJ’s Ang Probinsyano, masaya naman daw ang mga taga-Kapuso network dahil maganda ang feedback sa nasabing fantaserye.

Teka! Ngayong magtatapos na ang taping nila for Kara Mia, saang bansa kaya binabalak ng real-life sweethearts na sina Barbie at Jak Roberto na magbakasyon uli?

Kung matatandaan, nag-Japan ang dalawa noong Holy Week at kasama nila ang kapatid ni Jak na si Sanya Lopez.

Pinapayagan ng parents ni Barbie na magbakasyon ang anak kasama ang boyfriend nito dahil malaki ang tiwala nila kay Jak.

‘Yun na!

BINIBI­NING PILIPINAS 2019

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->