Kawhi, Kevin at iba pa magiging free agents

TORONTO - Nag­la­laban ang defending champion Golden State Warriors at Raptors sa 2019 NBA Finals.

Subalit maaaring ma­walan ang dalawang ko­­ponan ng kanilang mga superstars sa darating na free agency para sa susunod na season.

Sina Kawhi Leonard at Marc Gasol ng Toron­to at injured Kevin Durant, Klay Thompson at De­Marcus Cousins ng Gol­den State ang ilan sa mga magiging prized free agents sa susunod na buwan.

Maaaring pumayag ang mga players sa contract terms para sa susu­nod na season simula sa Hulyo at puwedeng lu­magda ng bagong termi­no sa Hulyo 6.

Sina Durant, Leonard at Gasol ay may contract options na puwede nilang gamitin para iwanan ang pinirmahang kon­trata at maging free agents matapos ang NBA Finals ka­ga­ya nina star guards Kyrie Irving ng Boston Celtics at Jimmy Butler ng Philadelphia 76ers.

Show comments