May problema si Coach Steve

Steve Kerr

OAKLAND - Naitabla ng Golden State Warriors ang kanilang NBA Finals ng Toronto Raptors sa 1-1 ngunit ang injuries sa kanilang mga key players ang nag-iwan kay head coach Steve Kerr kung sino ang paglalaruin sa Game Three.

“We’ll see about all the injuries,” sabi ni Kerr. “You need your bench, no matter what, but in particular when you’ve got a lot of injuries.”

Si two-time NBA Finals MVP Ke-vin Durant, ang top playoff scorer ng Warriors, ay halos isang buwan nang hindi naglalaro dahil sa kanyang right calf injury.

Sinabi ni Kerr na dapat sumali si Durant sa kanilang ensayo ngayon bago maglaro bukas.

Sina shooting guard Klay Thompson at back up center Kevon Looney ay parehong may mga bagong injuries mula sa 109-104 panalo ng Golden State sa Toronto sa game Two.

Sumailalim si Thompson sa MRI exam bukod pa sa medical tests kay Looney.

Hindi natapos ni Thompson ang laro nang magkaroon ng left hamstring injury sa kaagahan ng fourth quarter.

“Klay said he’ll be fine, but Klay could be half dead and he would say he would be fine,” wika ni Kerr. “We’ll see. He pulled his hamstring. He thinks it is minor, so I don’t know what that means going forward.”

Nagkaroon naman si Looney ng chest contusion ngunit sinabi naman ni Kerr na ito ay “something with his shoulder.”

Sumalang si center DeMarcus Cousins sa loob ng 28 minuto sa Game Two matapos gamitin ng walong minuto sa Game One sa kanyang pagbabalik mula sa torn left quadriceps kaya natengga ito ng anim na linggo.

“He was fantastic and we needed everything he gave out there, his rebounding, his toughness, his physical presence,” ani Kerr kay Cousins.

Show comments