Gustong maka-4 ng Blackwater

MANILA, Philippines — Gustong patunayan ni No. 2 overall pick Ray Ray Parks, Jr. na hindi tsamba ang tatlong sunod na panalo ng Blackwater.

Muli itong gagawin ng Elite sa pagsagupa sa Phoenix Fuel Masters ngayong alas-4:30 ng hapon sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa MOA Arena sa Pasay City.

Ipinoste ng Blackwater ang 3-0 record matapos talunin ang Columbian, 118-110 tampok ang 26 points, 21 rebounds at 7 blocked shots ni import Alex Stepheson.

“These games, they are no fluke. We took teams down the wire, it just happened the breaks of the game came our way. Those are great teams,” sabi ng 6-foot-4 na si Parks, nagtala ng 23 points kasunod ang tig-19 markers nina Alein Maliksi at Mac Belo.

Sa likod ni one-time PBA Best Import Rob Do-zier, kasama sina Matthew Wright at Calvin Abueva, ay pipilitin naman ng Fuel Masters na mantsahan ang imakuladang kartada ng Elite.

“I’m excited about the new challenge,” sabi ng 6-foot-9 na si Dozier na dating reinforcement ng Alaska kung saan sila nagkampeon noong 2013.

Sa ikalawang laro sa alas-7 ng gabi ay ipaparada naman ng Rain or Shine si 2012 PBA Best Import Denzel Bowles sa kanilang pagsagupa sa Meralco.

Muling makakasama ni Bowles si two-time PBA MVP James Yap matapos magtambal para sa paghahari ng B-Meg Llamados na ngayon ay Magnolia Hotshots, noong 2012 PBA Commissioner’s Cup.

Show comments