MANILA, Philippines — Naniniwala sina dating World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Timothy Bradley at reigning WBO welterweight king Terence Crawford na tatalunin ni undefeated American pug Keith Thurman si eight-division world champion Manny Pacquiao.
Tatlong beses nang nakaharap ni Bradley si Pacquiao.
Hawak ng Pinoy champion ang 2-1 record kung saan nanalo si Bradley via split decision noong 2012 bago naitarak ni Pacquiao ang unanimous decision wins noong 2014 at 2016.
Kaya naman kabisado na nito ang estilo ni Pacquiao – bagay na kayang tapatan ni Thurman base sa paniniwala ni Bradley.
“I’m banking on Thurman to get the job done. I’m happy that he got the fight. Everyone’s looking at the last fight, his first fight back. But when you (are) fighting a legend like Manny Pacquiao, you’re gonna get up for him,” ani Bradley sa pa-nayam ng Boxing Scene.
Pabor din si Crawford na makuha ni Thurman ang panalo. Matagal nang magkakilala sina Crawford at Thurman.
At magandang pagkakataon ang maipanalo ang laban nito kay Pacquiao upang higit na magning-ning ang kaniyang pangalan sa mundo ng boksing.
“I’ve been knowing Keith Thurman since the amateur days. I wish him nothing but the best. I hope he goes out there to do his thing and take care of Pacquiao, get the victory, and move on with his career to bigger and better things,” ani Crawford sa FightHype.
Naniniwala rin si WBA, IBF at WBO light heavyweight champion Andre Ward na magandang pagkakataon ito para kay Thurman na patunayan sa buong mundo ang kaniyang tikas.
Nakatakdang magharap sina Thurman at Pacquiao sa Hulyo 20 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.