Parks marami pang ipapakita sa PBA

MANILA, Philippines — Magilas ang naging de­but ni rookie guard Bobby Ray Parks, Jr. pa­ra sa Blackwater na ti­nakasan ang Meralco sa overtime, 94-91, sa pagsi­simula ng 2019 PBA Com­missio­ner’s Cup.

Tumikada si Parks ng 20 points, 8 rebounds at 2 assists upang suportahan ang 21 markers at 31 boards ni import Alex Stepheson.

Ito ay sa kabila ng mahinang 6-of-19 field­goal sho­o­ting ni Parks.

“I’m still adjusting but I’m just happy that we got the win,” ani Parks na sinamahan sa post-game presser ang debuting coach din na si Aris Dimaunahan.

“A win is a win, but we have a lot of work to do,” dagdag nito.

Napili si Parks bilang No. 2 overall pick noong 2018 PBA Rookie Draft subalit hindi muna agad nakalaro para sa Elite dahil sa kanyang commitment sa San Miguel-Alab Pilipinas sa ASEAN Basketball League.

Noong nakaraang bu­­wan ay pumirma ng isang taong kontrata si Parks sa Blackwater matapos matanggal sa quarterfinals ang Alab at magwagi siya ng ikatlong sunod na Local Most Valuable Player.

“I’ve played in diffe­rent leagues, and I understand that the PBA is the most prestigious league here so I have to do my work,” ani Parks.

Show comments