NLEX napilitang magpalit ng import
MANILA, Philippines — Napilitang magpalit ng import ang NLEX Road Warriors kahit magbubukas na ngayon ang 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena.
Ito ay matapos mabigong dumating sa oras ang original import na si Tony Mitchell na dati na ring nagsilbing reinforcement ng Star (Magnolia na ngayon) noong 2017.
Bilang kapalit, kinuha ng NLEX ang first time PBA import na si Curtis Wahington na inanunsyo ng koponan kamakalawa.
“We’ve been waiting since they won their championship in Taipei but for one reason or another, he cannot make it,” ani head coach Yeng Guiao sa import na si Mitchell sa opisyal na pahayag ng koponan.
Magugunitang una ang Road Warriors sa mga koponang nag-anunsyo agad ng import noong nakaraang buwan pa lang upang makapaghanda sana ng mas maaga matapos ang quarterfinal exit nila sa katatapos lang na 2019 Philippine Cup.
Subalit kinailangan pa nilang hintayin si Mit-chell dahil sa commitment nito sa Fubon Brave sa Taiwan Super League.
Nadala ni Mitchell sa kampeonato ang Fubon noong nakaraang linggo pa subalit hindi pa rin nakakarating sa bansa upang makasama na sana sa ensayo ng Road Warriors na siyang nagtulak kay Guiao upang kumuha na ng bagong import.
“We’re losing time, so we decided to select ano-ther import,” ani Guiao lalo’t sa Mayo 22 na ang kanilang unang salang kontra sa Talk ‘N Text sa Ynares Sports Center sa Antipolo.
“Washington is immediately available and we’ve been considering him for a while as part of our short list while waiting for Mitchell.”
- Latest