May sagot na si Terrence sa kanyang mga kritiko
MANILA, Philippines — May sagot na si Terrence Romeo sa lahat ng taong nagsabing kahit kailan ay hindi siya mananalo ng kampeonato sa Philippine Basketball Association matapos niyang maibulsa ang kanyang unang PBA title nang umeskapo ang San Miguel Beer kontra sa Magnolia, 72-71 sa Game 7 ng 2019 PBA Philippine Cup.
“Mga haters ko lagi akong mine-message sa Instagram, sa Twitter. Mine-message ako na hindi raw ako magcha-champion. Talented daw ako, nasa akin daw lahat ng award pero never daw ako magcha-champion. Malas daw ako sa San Miguel,” ani Romeo. “Hindi na nila masasabi na hindi ako magcha-champion so kailangan ko nang bago sa mga haters sabihin nila lahat ng gusto nila isa isa sila. Gusto ko lahat sabay sabay sila sabihin nila.”
Ayon kay Romeo, mahaba ang pinaghandaan niya bago makamit ang unang titulo kabilang na nga rito ang sakripisyo lalo na sa playing time.
Buhat kasi nang mapili bilang 6th overall pick noong 2013 PBA Rookie Draft, naging regular na agad siyang starter at scorer para sa koponan ng NorthPort at sa Talk ‘N Text kung saan siya nalipat noong nakaraang taon.
Sa kampo ng solidong San Miguel kung saan siya na-trade ngayong season ay nawala lahat ng iyon kaya kinailangan niyang makahanap ng bagong paraan upang makatulong sa talentado nang Beermen na nahanap naman niya sa larangan ng depensa.
“Actually naapektuhan ako before kasi three years kong hinawakan sunud-sunod ‘yung scoring champion. Binigay ko ‘yung best ko every conference pero one-time lang ako nakaabot ng semis,” ani Romeo. “Lahat ginagawa ko hindi ko maabot yung dream ko. Siguro naniniwala ako, pinanghawakan ko na lang na si God talagang may plano para sa isang tao. So inantay ko lang talaga ‘yung perfect timing niya kung kailan niya ibibigay sa akin. Eto na yung time na ‘yon kaya lahat ng haters ko mag-ingay. Sobrang saya, ‘Di ko maexpress yung feeling. Siguro sa lahat ng bagay, yung first talaga yung pinakamasarap. Sobrang saya. Sobrang saya.”
- Latest