SSC pinatibay ang tsansa sa No. 1 berth

Naghanap ng butas si Joshua Munzon ng AMA Online para takasan si Marvin Hayes ng Family Mart-Enderun.
PBA D-League Images

MANILA, Philippines — Pinalakas ng Valencia City Bukidnon-SSC ang tsansang masikwat ang top seed sa Founda­tion Group nang igupo ang CD14 Designs-Tri­nity, 105-82, sa 2019 PBA-Developmental League sa Yna­res Sports Arena sa Pasig City ka­ha­pon.

Namuno para sa Gol­­den Harvest si Em­ma­nuel Bonleon na umiskor ng 20 points sa first quarter kung saan umabante agad sila sa 36-23.

Sapat na ang lamang na iyon para sa Valencia nang paalagwahin pa nila ito hanggang sa 25 puntos tungo sa mala­king panalo.

Nakasos­yo ng Valencia ang CEU sa unang puwesto ng Foundation Group hawak ang 7-1 baraha papasok sa hu­ling laban nila sa elimination round.

“Ang focus namin is one game at a time. May opportunity sa top spot at dahil doon, na-mo­tivate ang mga ba­ta, so why not?” wika ni head coach Egay Macara­ya na nakasiguro ng ‘twice-to-beat’ incentive sa crossover playoffs kon­tra sa Aspirants Group.

Nagtapos na may 23 points si Bonleon at nagbuhos ng 28 mar­kers, 6 rebounds, 3 steals at 2 assists ang lider na si Allyn Bulanadi.

Nag-ambag din ng double-double na 16 points at 11 rebounds si JM Calma para sa SSCR-backed Valencia na naghahanda rin para sa nalalapit na NCAA Season 95.

Sa kabilang banda, bigo pa ring makarehistro ng panalo ang CD14 Designs-Trinity sa kabila ng 22 points at 9 rebounds ni Clark Derige.

Sa isa pang laro, ti­nambakan din ng Fami­ly Mart-Enderun ang AMA Online Education, 116-94, upang makuha ang una nilang panalo sa D-League debut.

Nagtala ng 4 points, 7 rebounds at 7 assists si Valandre Chauca upang giyahan ang atake ng Ti­tans na pinaganda ang mar­ka sa 1-6.

Show comments