^

PM Sports

Tigresses finals na

Francisco Cagape - Pang-masa

Tinanggalan ng korona ang DLSU

MANILA, Philippines — Nangailangan ng limang sets ang University of Santo Tomas Tigresses bago tinanggalan ng korona ang three-peat champion De La Salle Lady Spikers, 25-19, 25-19, 20-25, 23-25, 15-10 para angkinin ang unang Finals berth sa Season 81 UAAP volleyball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Mula sa seventh place finish noong nakaraang taon, nagpakita ng katatagan sina Sisi Rondina, Caitlyn Viray  at Eya Laure para pumasok ulit  ang Tigresses sa Finals matapos ang walong taon.

Ang 13-time champion Tigresses ay huling nagkampeon noong 2010 kung saan tinalo nila ang DLSU at huling pumasok sa Finals noong 2011 at natalo naman sa Lady Spikers.

Ito na rin ang ikalawang sunod na panalo ng Tigresses sa Lady Spikers kasunod ang kanilang  25-14, 25-23, 23-25, 25-19  panalo sa playoff para sa second spot noong mayo 1.

Ngunit maghihintay pa ang Tigresses ng makakalaban sa best-of-three Finals dahil pag-aagawan pa ng top seed Ateneo Lady Eagles at fourth seed Far Eastern University Lady Tamaraws ang ikalawang Finals berth sa kanilang muling paghaharap sa semis ngayong Miyerkules sa The Arena sa San Juan City.

Umani si Eya Laure ng 25 puntos kabilang ang 21 atake, dalawang blocks at dalawang aces habang si Sisi Rondina ay tumulong ng 17 puntos, 14 nito mula sa atake na may kasamang isang block at dalawang aces.

“Sa isip talaga namin hindi kami puwedeng mag-complacent dahil ipaglalaban talaga namin ang UST. Salamat sa Panginoon nakuha namin ang panalo at sa wakas pumasok uli sa Finals,” sabi ng rookie na si Laure.

Samantala, nasungkit ng nagdedepensang National University Bulldogs ang kanilang ikapitong sunod na Finals appearance matapos ilampaso ang Adamson Soaring Falcons, 25-19, 25-16, 25-20 at angkinin ang kanilang pang-14th sunod na panalo sa season na ito.

Sa kanilang panalo, makakaharap uli ng Bulldogs ang Far Eastern University Tamaraws sa best-of-three Finals series na isang rematch sa kanilang Season 75 championship showdown kung saan nagwagi ang NU.

 “Ito talaga ‘yung goal namin noong simula pa lang ng season and sana magtuluy-tuloy na ito hanggang Finals,” sabi ni Bulldogs coach Dante Alinsunurin na asam ang kanyang ika-apat na titulo simula nang hawakan ang koponan.

Nasungkit ng FEU Tamaraws ang unang Finals berth pagkaraang magwagi sa Ateneo Blue Eagles, 21-25, 25-23, 25-22, 25-22 sa kanilang semis match noong Sabado.

Maghaharap ang Bulldogs at Tamaraws sa best-of-three Finals simula sa Sabado (May 11) sa Smart Araneta Coliseum. 

TIGRESSES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with