^

PM Sports

Lampacan naka-silver

Pang-masa

2019 Arafura Games

DARWIN, Australia – Naisalba ni Ariel Lee Lampacan ang silver medal sa muay competitions nitong Miyerkules sa 2019 Arafura Games sa Darwin Convention Centre.

Yumukod ang 21-gulang na si Lampacan kay Sakchai Chamchit ng Thailand, 30-27 sa finals ng senior male Elite A 54-kilogram division para magkasya sa silver sa competition kung saan makakakuha ng puntos ang mga kalahok para mag-qualify sa 2021 World Games.

Dismayado si Lampacan na nabigo sa gold ngunit nangakong babawi sa susunod.

“Bawi tayo next time sa June sa World Championship (Bangkok). Pagbubutihin ko pa ‘yung training at hahasain ko pa ‘yung galaw ko,” sabi ni Lampacan.

Si Lampacan ang isa sa apat na national muay athletes dito sa Arafura Games kung saan suportado ang kampanya ng Philippine team ng Philippine Sports Commission at Standard Insurance.

Kumulekta na ang Team Philippines ng 30 golds, 48 silvers, at 28 bronzes na inaasahang madadagdagan pa patungo sa huling dalawang araw ng competition.

Sina Hachaliah Gilbuena at Johnrel Amora ay nanalo sa Australia, 10, 21-12, 21-13 para makapasok sa round of 16 matapos manalo ng dalawang matches sa Pool D.

Ngayon lang naka-partner ni Amora si Gilbuena sa international competition pero matagal silang nagsama sa University of Mindanao-Tagum noong college.

“Hindi ako makapaniwala kasi ang tatangkad nila. Nag-focus lang talaga kami sa laro,” sabi ng 24-gulang na si Amora.

Ang men’s doubles sepak takraw team nina Dominic James Sagosoy, Aljon Ypon at Jundy Puton mula sa Davao City ay nanalo sa Australia B sa straight sets para ma-sweep ang pool play sa 4-0 win-loss record.

Sa men’s basketball, nagtala si Leomer Losentes ng 35 points nang manalo ang Philippines, 86-75 kontra sa New Caledonia sa Darwin Basketball Stadium.

ARAFURA GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with