2019 Arafura Games
DARWIN, Australia – Humakot na ang Team Philippines ng 10 gold medals noong Lunes sa 2019 Arafura Games para higitan ang produksiyon ng Pinas, walong taon na ang nakakaraan nang huling itanghal ang kompetisyon.
Lumagay ang mga Filipino athletes sa third overall sa medal tally matapos ang ikatlong araw ng kompetisyon taglay ang kabuuang 28 gold medals na humigit sa 27 na nakopo ng Pinas nang huling idaos ang kompetisyon noong 2011.
Ang Pinoy squad na sinuportahan ang kampan-ya dito ng Philippine Sports Commission at Standard Insurance ay mayroon ding 41 silvers at 24 bronze medals.
Kumopo si Zoe Marie Hilario ng dalawang gold kabilang ang women’s 15- 16 year old 200m backstroke nang magtala ito ng Arafura Games record na dalawang minuto, 30.63 segundo para basagin ang 2:47.69 na naitala niya sa heats.
Nanguna rin si Hilario sa 200m individual medley sa tiyempong 2:28.76.
Itinala ni Ivo Nikolai Enot ang kanyang ikalawang gold medal sa men’s 13 to 14 year old 200m backstroke sa record time na two minutes, 21.42 seconds para higitan ang Games record na 2:24.70 na naitala niya sa heats.
Binasag din nina Ray Martin Yarra and John Martin Yarra ang Arafura Games records matapos manalo sa men’s 13 to 14 year old 200m butterfly (2:25.59), men’s 17 and over 200m butterfly (2:15.05), ayon sa pagkakasunod.
Sina John Paul Elises at Samuel Alcos ay nakabasag din ng Arafura Games records sa paghahari sa men’s 15 to 16 year old men’s butterfly (2:14.47) at men’s 17 and over 50m backstroke (29.77), ayon sa pagkakasunod.