Sangalang nakinig sa payo ni Pingris

Ian Sangalang

MANILA, Philippines — Isang simpleng advise mula kay veteran forward Marc Pingris ang natanggap ni Ian Sangalang nang hindi makaiskor sa first half sa Game Three.

Isinapuso ni Sangalang ang naturang pagpapalakas ng loob sa kanya ni Pingris na nagresulta sa itinala niyang 16 points at 11 rebounds sa 85-74 pagresbak ng Magnolia laban sa Rain or Shine sa kanilang semifinals showdown para sa 2019 PBA Philippine Cup.

“Sobrang na-appreciate ko siya kung paano niya ako minotivate,” wika ng 6-foo-7 na si Sangalang sa 37-anyos na nine-time PBA champion na si Pingris. “Siguro nanggaling ‘yung laro ko kay Kuya Ping.”

Idinikit ng Hotshots sa 1-2 ang kanilang best-of-seven semifinals duel ng Elasto Painters, sinikwat ang Game One, 84-77 at Game Two, 93-80.

“I just stayed positive. Nag-respond ako sa mga teammates ko na patuloy na naniwala sa akin,” dagdag ni Sangalang. “Thankful ako especially kay Kuya Ping na talagang itinulak ako at nagbigay ng guidance.”

Nakadikit ang Rain or Shine sa 74-76 agwat mula sa three-point play ni rookie guard Javee Mocon na sinundan ng solong 6-0 atake ni Sangalang para ibigay sa Magnolia ang 82-74 abante sa huling 50.8 segundo ng fourth quarter.

May tsansa ang Magnolia na makatabla sa Rain or Shine kung mu-ling mananalo sa Game Four sa Lunes sa Smart Araneta Coliseum.

Ang nasabing pagkakataon ang hindi na pakakawalan ng Hotshots.

“Ang maganda lang dito is we have a chance. At least kahit paano naka-one win kami,” ani head coach Chito Victolero.

Show comments