MIAMI — Sa Biyernes ay posibleng hindi na isang professional basketball player si Heat star guard Dwyane Wade.
Ito ang katotohanan, gusto man niya o hindi.
Matapos ang 16 seasons bilang isang NBA player at makaraan ang tatlong kampeonato, halos taun-taon na paglalaro sa All-Star Game, isang scoring title, tatlong prangkisa, apat na anak, isang Olympic gold medal at 161 teammates, ito na ang katapusan ng career ni Wade.
Ilalaro ni Wade ang kanyang final home regular season game sa pagsagupa ng Heat sa bisitang Philadelphia 76ers.
Kinabukasan ay tatapusin ni Wade ang kanyang season sa pagharap naman sa Brooklyn Nets.
“I gave this game everything I had,” wika ni Wade. “And I have appreciated every bit of it.”
Sa 64 posibleng senaryo kasama ang Brooklyn Nets, Orlando Magic, Detroit Pistons at Charlotte Hornets ay nakatiyak na ang Nets at Magic ng tiket sa postseason anuman ang mangyari.
“It’s been incredible. It’s been amazing,” sabi ni Wade. “A lot of people in that arena have watched me grow, have watched me be imperfect, have watched me make a lot of mistakes in life, as well as watched me blossom.”