MANILA, Philippines — Kahit ang iniindang hand injury ay hindi makakapigil kay Chris Banchero na maglaro para sa Alaska sa kanilang ‘do-or-die’ game kontra sa top seed na Phoenix sa 2019 PBA Philippine Cup.
Nadale ng injury si Banchero sa knockout match ng Aces kontra NLEX Road Warriors noong Biyernes para sa No. 8 berth sa quarterfinals.
Kahit wala si Banchero ay nagwagi pa rin ang Alaska laban sa NLEX, 88-80, para kumpletuhin ang playoff picture.
“I think I’ll be okay. I’m ready to go for Sunday. It’s kinda painful right now and swollen,” wika ni Banchero na balot ng tuwalya at yelo ang naturang kamay.
Kontra sa Fuel Masters, may bitbit na ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals, ay tiniyak ni Banchero ang kanyang paglalaro lalo na at kailangang manalo ng Aces.