Urbiztondo tuluyan nang nagretiro

MANILA, Philippines — Tuluyan nang nagretiro si point guard Josh Urbiztondo matapos ang ma­kulay na karera sa PBA at ASEAN Basketball League (ABL).

Ito ang inihayag ng 36-anyos na si Urbizton­do kamakalawa sa isang social me­dia post.

“After a long-thought de­cision and dis­cussing with my wife, I have finally deci­ded to hang ‘em up and retire from basketball,” wika ni Urbiztondo na maninirahan sa US kasama ang pa­milya.

Dalawang taon nag­laro ang tinawag na  ‘Fireball’ sa ABL pa­ra sa Alab Pilipinas na nag-uwi ng ABL title no­­ong 2018.

Nagrehistro si Urbiz­tondo ng mga avera­ges na 5.4 points, 3.0 re­bounds at 2.4 assists para sa Alab Pilipinas.

Nagtapos sa hindi ina­asahan at maagang quar­terfinal exit ang ka­rera ni Urbiztondo at ng Alab bunsod ng 0-2 pagkawalis sa kanila ng Hong Kong.

Bago naglaro sa ABL ay nakilala muna si Urbiztondo sa PBA kung saan niya nakuha ang bansag na ‘Fireball’ dahil sa mga nagliliyab na three-point shots.

Hindi siya napili no­ong 2009 PBA Rookie Draft subalit  nakuha ng Sta. Lucia Realtors na si­yang naging simula ng kanyang PBA career.

Naglaro rin siya para sa Air21, Barako Bull, Ginebra at Phoenix at B-Meg kung saan siya na­nalo ng kanyang nag-iisang PBA crown no­ong 2012.

Huli siyang naglaro para sa Globalport no­ong 2017 bago kinuha ng Singapore Slingers sa ABL at nang lumaon ay sa Alab Pilipinas.

 

Show comments