Bucks No. 1 sa East conference

PHILADELPHIA – Sinapawan ni Giannis Antetokounmpo ang kapwa MVP candidate na si Joel Embiid, tumapos ng 45 points at 13 rebounds upang pa-ngunahan ang Milwaukee sa 128-122 panalo kontra sa Philadelphia 76ers nitong Huwebes ng gabi nang makopo ng Bucks ang No. 1 seed sa Eastern Conference at top overall seed para sa NBA playoffs.

Nagdagdag si Khris Middleton ng 22 points at may 20 si George Hill para sa Bucks na nakaumang na sa  home-court advantage sa playoffs bagama’t mayroon pang tatlong regular-season games na natitira.

Nagbalik si Embiid mula sa three-game absence at nagtala ng 34 points, 13 rebounds, 13 assists at tatlong blocks.

Umiskor si JJ Redick ng 29 points at nagtala si Mike Scott, naging starter kapalit ng injured na si Jimmy Butler, ng 22 points para sa 76ers na lamang ng dalawang games sa Boston sa karera para sa No. 3 seed sa East patungo sa huling tatlong laro.

Lumaro ang Philadelphia na wala si Butler na nag-miss ng game sa ikalawang pagkakataon sa tatlong laro dahil sa pananakit ng likod.

Sa Los Angeles, nagtala si DeMarcus Cousins ng 21 points at 10 rebounds nang pagulungin ng Golden State ang Los Angeles 108-90 sa paghahabol ng No. 1 seed sa West.

Patungo sa huling apat na regular-season games, hawak ng Warriors ang best record sa West (54-24) at may two-game na kalama-ngan sa second-place na Denver. Ang defending NBA champions ang nakalalamang din sa tiebreaker kontra sa Nuggets sa karera para sa top seed.

Nagtala si Kevin Durant ng 15 points, eight assists at six rebounds at tahimik ang gabi ni Stephen Curry na may pitong puntos lamang sa 3-of-14 shooting at10 rebounds.

 

Show comments