Cignal-Ateneo sinolo ang third spot

MANILA, Philippines – Solo tersera na ang Cig­nal-Ateneo sa Aspirant’s Group matapos ang dominanteng 83-64 pa­nalo kontra sa Petron-Letran sa 2019 PBA- D-League kahapon sa Yna­res Sports Arena sa Pa­sig City.

Naiiwan sa 35-36 sa halftime, sumakay ang Blue Eagles kay BJ Andrade na kumana ng 10 points sa third quarter upang ibigay sa koponan ang 63-54 abante papasok sa fourth quarter.

Naprotektahan ng Cignal-Ateneo ang kalamangan hanggang sa tuluyang maibulsa ang malaking tagumpay.

Bunsod nito ay uma­ngat sa 4-1 kartada ang Ateneo upang ungusan ang Che’Lu (3-1) at Petron-Letran na nahulog sa 3-2 baraha.

“Our discipline was not good in the first half and that’s not the right re­cipe to play successful basketball,” sabi ni coach Tab Baldwin.

“But we sorted some things out, BJ, Mike (Nieto), and Matt (Nie­to) hit some shots out and that got us in the right track. We did what we have to do,” dagdag nito.

Nagtapos si Andrade na may 13 points kasunod ang 12 markers ni Mike Nieto para sa Blue Eagles.

Sumuporta naman si big man Angelo Kouame na may 10 points at 11 rebounds, habang may 10 markers at 9 boards si Matthew Daves.

Sa kabilang banda, ku­mayod ng 16 points, 4 rebounds at 2 assists si Jerrick Balan­za sa panig ng Knights.

Sa isa pang laro, na­kabangon ang nagdedepensang Go For Gold ma­tapos ang 102-87 pa­nalo sa Batangas-Emilio Aguinaldo College.

Nagposte naman ng 20 points, 8 assists, 3 re­bounds at 6 steals si Jus­tin Gu­tang para sa Scratchers.

Nasayang naman ang 17 at 13 points nina Allan Martin at Clark Derige, ayon sa pagkakasunod, para sa Generals na lumagpak sa 1-4 marka.

 

 

Show comments