MANILA, Philippines — Paglalabanan ng Batangas City at Zamboanga ang ikalawa at hu-ling silya sa championship round ng Southern Division ng MPBL Datu Cup.
Inaasahang magiging pisikal at eksplosibo ang bakbakan ng dalawang koponan sa Game Three ng kanilang semifinals series ngayong alas-7 ng gabi sa Batangas City Sports Arena kung saan ang mananalo ang sasagupa sa Davao Occidental Tigers.
Winalis ng Tigers ang Bacoor Strikers, 2-0 sa kanilang semifinal series.
Hangad ng Athletics ni coach Mac Tan na makalapit sa pag-angkin sa kanilang back-to-back titles na tiyak nang pi-pigilan ng Zamboanga.
Tiyak na sasamantalahin ng Batangas ang kanilang hawak na home court advantage laban sa Zamboanga.
“Home court advantage is sacred to us,” sabi ni team manager Gerry Tee. “It’s so important. At one time, our venue was not available due to a pageant contest, so we looked for an alternative home court here in Batangas to make sure that we will have the support of our local folks.”
Matapos naman ang kanilang ‘roller-coaster ride’ sa eliminasyon ay sinibak ng Zamboanga ang 2018 season runner-up Muntinlupa at pinuwersa ang Rajah Cup champions Athletics sa ‘do-or-die’ game.
Muling aasahan ng Zamboanga sina top guns Reed Juntilla, Robin Roño at Harold Arboleda katuwang sina Joseph Nalos, veteran Ryan Buenafe at big man Allan Santos.