^

PM Sports

Pagulayan sinargo ang tiket sa Last 8 ng World Pool

Chris Co - Pang-masa
Pagulayan sinargo ang tiket sa Last 8 ng World Pool
Si Fil-Canadian cue master Alex Pagulayan sa isang torneo.

MANILA, Philippines — Lumilipad pa rin ang bandila ng Pilipinas ma­tapos makahirit ng ti­ket sa quarterfinals si Fi­lipino-Canadian Alex Pa­gulayan sa prestihi­yo­song 2019 World Pool Masters na ginaganap sa Victoria Stadium sa Gibraltar.

Ginamitan na ng 2005 Southeast Asian Games triple gold me­da­list na si Pagulayan ng malalim na karana­san para ilusot ang dikdikang 7-6 panalo laban kay Ko Pin Yi ng Chinese-Taipei.

Target ni Pagulayan na maipagpatuloy ang ma­gandang ratsada sa Final 8 sa pakikipagtuos kay 2017 Aramith Masters champion Eklent Ka­ci ng Albania.

Pumasok si Kaci sa quarterfinals matapos gu­lantangin si Jayson Shaw ng Scotland mula sa 7-2 panalo.

Nakahirit din ng tiket sa quarterfinals sina David Alcaide ng Spain, Shane Van Boening ng Amerika, Alexander Ka­zakis ng Greece, Matt Edwards ng New Zea­land, Albin Ouschan ng Austria at Skyler Woodward ng Amerika.

Iginupo ni Alcaide si Niels Feijen ng Netherlands (7-3), pinatalsik ni Van Boening si Han Yu ng China (7-6), tinalo ni  Kazakis si Justin Sajich ng Australia (7-3), wagi si Edwards kay Konrad Juszczyszyn ng Poland (7-6), nanaig si Ouschan kay Joshua Filler ng Germany (7-6) at namayani si Woodward may Fedor Gorst ng Russia.

Maliban sa Pagula­yan-Kaci game, magta­tapat din sa quarterfinals si­na Alcaide at Van Boening gayundin sina Kazakis at Edwards at sina Ouschan at Woodward.

Gagamitin ang race-to-seven format hanggang quarterfinals at race-to-eight ang se­mi­fi­nals at race-to-nine ang fi­nals.

PAGULAYAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with