Viloria, Trinidad pasok sa finals ng Go For Gold Skateboarding Championships

MANILA, Philippines – Kumuha sina Abigail Viloria at Arianne Mae Trinidad ng tiket para sa national finals ng 2019 Go For Gold Skateboarding National Championships matapos manguna sa women’ downhill at game of skate events sa Luzon Qualifying leg kamakailan.

Ang nasabing event ang gagamitin ng skateboarding association para sa pagpili ng mga atletang isasalang sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30-Dis-yembre 11.

Maglalaro sina Viloria at Trinidad sa national finals na nakatakda sa Agosto 24-25 sa Sta. Rosa, Laguna, ayon kay Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines president Monty Mendigoria.

Tinalo ni Trinidad sina Jennica Eunesse Gulapa at Gwen Cabangon sa game of skate na ginawa sa Robinson’s Place sa Novaliches habang si Viloria, tubong Cavite, ang bumandera sa wo-men’s downhill race.

Pumangalawa naman si Airish Tenorio ng Camarines Norte kasunod si Julieann Hilario ng Batangasna pasok sa national finals sa Sta. Rosa kagaya ng lahat ng podium finishers.

“I believe skateboarding is a great sport to encourage our youth. It’s not so expensive and can be done almost anywhere,’’ sabi ni Go For Gold godfather Jeremy Go. “We hope that our athletes can serve as role models to keep Filipino kids in sports and out of trouble,’’ dagdag pa ni Go, ang vice president for marketing ng Powerball Marketing and Logistics Corp.

Sa men’s division, pinagharian ni Charles Louise ‘CL’ Paje ang game of skate matapos ungusan sina Christian Louie Enconado at Mark Garcia.

Show comments