^

PM Sports

Marinero minani ang Trinity

Pang-masa
Marinero minani ang Trinity
Si Santi Santillan ng Marinero laban kay Michael Canete ng Trinity.
PBA D-League photo

MANILA, Philippines – Bumida si Santi Santillan sa madaling 91-72 panalo ng Marinerong Pili-pino kontra sa CD14 Designs – Trinity University of Asia sa pagpapatuloy ng 2019 Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Abante lang ng 37-31 sa halftime, kumawala ang Skippers sa ikatlong kanto sakay ng 27-17 ratsada sa likod ng 13 puntos ni Santillan upang makapagtayo ng malaking 64-48 na kalamangan papasok sa hu-ling kanto.

Hindi na pinakawalan ng Marinero ang manibela buhat noon tungo sa malaking 19-puntos na tagumpay.

Bunsod nito, umangat sa 3-2 ang baraha ng Ma-rinerong Pilipino upang mapanatili ang puwesto sa gitnang bahagi ng Foundation Group standings.

“Ang sinasabi ko na lang sa kanila palagi, kailangan naming ibigay ang best effort sa practice. Doon kami mabubuo as a team lalo na at akyat-baba ang laro ng players namin. Buti naman ngayon, lumabas ang resulta,” ani head coach Yong Garcia.

Nagtapos sa 29 puntos at 10 rebounds ang La Salle big man na si Santillan upang pangunahan ang atake ng Skippers.

Nagdagdag din ng 10 puntos si Orlan Wamar mula sa tatlong tres na ipinukol habang may siyam na puntos at tatlong assists si Anton Asistio para sa Marinero.

Sa kabilang banda, hindi pa rin sumapat ang 18 puntos ni AJ Vitug gayundin ang 15 puntos, walong boards at apat na assists ni Chris DeChavez para sa White Stallions na wala pa ring panalo sa apat na salang sa kanilang D-League debut.

Sa ikalawang laro, napigilan ng Che’Lu Bar and Grill ang tangkang pagba­ngon ng McDavid sa huling bahagi ng laro para takasan ito sa iskor na 109-99.

Ito ang ikatlong panalo ng Che’Lu Bar and Grill sa apat na laro. 

vuukle comment

MARINERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with