MANILA, Philippines — Kagaya ng iba niyang sinusuportahang mga atleta, malaki rin ang tiwala ni Go For Gold godfather Je-remy Go sa kakayahan ni Asian Youth 18-under chess champion John Marvin Miciano na maging isang Filipino Grand Master.
“Chess is one sport where Filipinos can excel. It is a test of mental strength,’’ sabi ni Go. “I think Marvin is one of our brightest young athletes who deserve our support.’’
Kailangan ng pinakabatang International Master mula sa Davao City na makakuha ng tatlong GM norms sa pamamagitan ng paglalaro sa mga overseas tournaments laban sa mga highly rated chessers.
Nakatakdang sumabak si Miciano sa FIDE Asian Zone 3.3 championships sa Abril 6-16 sa Ulaanbaatar, Mongolia.
“We all know how difficult it is to become a GM. But with the support of my family and sponsors such as Go For Gold, it will help me reach my dream,’’ wika ni Miciano sa kanyang pagbisita sa Usapang Sports ng Tabloids Organization in Philippine Sports (Tops).
Itatampok sa torneo ang mga pinakamahuhusay na woodpushers sa rehiyon kasama ang mga top-rated players mula sa Vietnam at Indonesia.
Kumpiyansa si Go, sinusuportahan ang walong sports na makakamit ni Miciano, iginiya ang Far Eastern University sa UAAP title, ang kanyang pangarap.
Ang Fide-rated event sa Mongolia ang magbubukas ng pintuan sa 18-anyos na si Miciano para maipakita ang kanyang husay kasama ang hangaring makakuha ng GM norm at rating points.
Maliban kay Miciano, tinutulungan din ng Go For Gold sina skateboarder Margielyn Didal, ang Philippine dragon boat team ng Philippine Canoe-Kayak Dragonboat Fede-ration, sina cycling hero Rex Luis Krog at reigning Southeast Asian Games men’s triathlon champion Nikko Huelgas.