MINNEAPOLIS — Humugot si Stephen Curry ng 22 sa kanyang 36 points sa third quarter at nag-ambag si Klay Thompson ng 28 points para banderahan ang Golden State Warriors sa 117-107 pagpapatumba sa Minnesota Timberwolves.
Muling napasakamay ng Golden State ang first place sa Western Conference.
Nag-ambag sina Jonas Jerebko at Kevin Durant ng 18 at 17 points, ayon sa pagkakasunod at humakot si Draymond Green ng 10 rebounds at 9 assists para sa pagbangon ng Warriors mula sa naunang kabiguan sa San Antonio Spurs noong Lunes.
Bahagyang iniwan ng Golden State ang Denver (47-22) sa laba-nan para sa top seed.
Pinangunahan naman ni Karl-Anthony Towns ang Minnesota mula sa kanyang 26 points at 21 rebounds habang nagdag-dag si Andrew Wiggins ng 20 points, 8 rebounds at 6 assists.
Si Josh Okogie ay tumipa ng 19 points para sa Timberwolves, naglaro na wala sina injured Jeff Teague, Derrick Rose, Robert Covington at Luol Deng.
Sa Atlanta, naglista si James Harden ng 31 points at 10 assists habang kumolekta si Clint Capela ng 26 points at 11 rebounds para akayin ang Houston Rockets sa 121-105 paggupo sa Hawks.
Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Rockets.
Ang Hawks ay binanderahan ni Trae Young na may 21 points at 12 assists at nagposte si John Collins ng 20 points at 10 rebounds.
Sa Milwaukee, kuma-mada si Khris Middleton ng 30 points at nagdagdag si Brook Lopez ng 28 markers para pamunuan ang 115-101 paggiba ng Bucks sa LA Lakers.
Naglaro ang Milwaukee na wala si Giannis Antetokounmpo, may injured ankle at naupo naman sa bench si LeBron James sa panig ng Los Angeles dahil sa sore groin.
Umiskor si Nikola Mirotic ng 23 points para sa Bucks na may NBA-best na 53-18 record.
Pinangunahan ni Kentavious Caldwell-Pope ang Lakers sa kanyang season-high 35 points.