^

PM Sports

Batangas at Imus nagposte ng panalo

Francisco Cagape - Pang-masa

BATANGAS CITY, Philippines — Nagposte ng magkahiwalay na panalo ang inaugural champion Ba­tangas City at Imus pa­ra itakda ang kanilang playoff duel sa 2019 MPBL Datu Cup.

Sumandal ang Ba­tangas City kina point guard Jeff Vier­nes, bigman Jhaymo Eguillos at forward Denice Villa­mor para patumbahin ang General Santos Ci­ty, 92-86.

Tumapos si Viernes na may 21 points at 6 assists, habang nagdag­dag sina Eguillos, ang 2018 Finals MVP, at Villa­mor ng 18 at 16 mar­kers, ayon sa pagka­kasunod, para ibigay sa Athletics ang No. 2 berth.

Tumipa si Villamor ng 3-of-4 shooting sa three-point range.

Dahil sa ‘win over the other rule’ ay nakuha ng Batangas City ang naturang tiket para harapin ang Imus sa playoffs.

Nagsanib ang tatlo para sa paghuhulog ng 10-2 bomba na bumasag sa 73-73 pagkakatabla at ibigay sa Batangas City ang 83-75 bentahe kontra sa GenSan sa hu­ling dalawang minuto ng fourth period.

Sa playoffs ay lalabanan ng GenSan ang Ba­coor, nanalo via forfeiture kontra sa Paraña­que, sa Southern Division.

Samantala, itinakbo naman ng Imus ang 107-90 panalo laban sa si­bak nang koponan ng Mandaluyong.

Tumabla ang Bande­ra sa Cebu Sharks, ngu­nit naibulsa ang No. 7 spot ng Southern Division dahil sa ‘winner over the other’ rule.

Makikipagtuos ang Cebu sa top seed na Da­vao Occidental.

MPBL DATU CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with