Millsap nakatulong sa panalo ng nuggets
DENVER -- Hindi pinayagan ni Paul Millsap na makaapekto sa Nuggets ang pagkakalagay ni center Nikola Jokic sa foul trouble.
Tinulungan ni Millsap ang Denver na talunin ang bisitang Los Angeles Clippers, 123-96, mula sa kanyang vintage performance.
Tumapos si Jokic na may 22 points at 16 rebounds, habang nagdagdag si Millsap ng 21 points at 16 boards para sa Nuggets.
“I feel great,” wika ni Millsap, nagkaroon ng sore right ankle. “Having that break was definitely beneficial.”
Ang nasabing panalo ang nagdikit sa Nuggets sa Western Conference-leading Golden State Warriors.
Nagtala naman si guard Lou Williams ng 24 points kasunod ang 19 markers ni Danilo Gallinari sa panig ng Clippers.
Sa Toronto, humataw si Terrence Ross ng 28 points, habang kumolekta si big man Nikola Vucevic ng 23 points at 12 rebounds para pamunuan ang 113-98 panalo ng Orlando Magic laban sa Raptors.
Winakasan ng Orlando ang seven-game winning streak ng Toronto.
Nag-ambag si Jonathan Isaac ng 16 points kasunod ang 12 markers ni D.J. Augustin para sa ikaanim na panalo ng Magic sa huli nilang pitong laban.
“This is the part of the season where you’ve got to move forward, no matter what,” sabi ni Ross matapos ang 109-110 home loss ng Orlando kontra sa Chicago Bulls noong Biyernes na pumigil sa kanilang five-game winning run.
Ipinahinga ng Raptors si forward Kawhi Leonard na maglalaro sa Martes laban sa Eastern Conference rival Boston Celtics.
Sa New York, kumabig si Damyean Dotson ng 27 points at tinapos ng Knicks ang kanilang franchise-record home losing skid sa 18 games mula sa 130-118 panalo kontra sa San Antonio Spurs.
Nagposte sina Kevin Knox, Dennis Smith Jr. at Emmanual Mudiay ng tig-19 points para sa unang home victory ng New York simula noong Disyembre 1 laban sa Milwaukee Bucks.
Naglista naman si DeMar DeRozan ng 32 points at 9 boards para sa Spurs.
- Latest