‘Girl Power’ itatampok ngayon sa PSA Awards

MANILA, Philippines — Magsasama-sama ang mga top achie­vers ng 2018 sa kanilang pag­ki­kita sa SMC-PSA (Phi­lip­pine Sportswriters Association) Annual Awards ngayong gabi sa Centennial Hall ng makasaysa­yang Manila Hotel.

Sina Olympic Games weightlifter Hidilyn Diaz, skateboarder Margielyn Di­dal at ang golf trio nina Yu­ka Saso, Bianca Pag­da­nganan at Lois Kaye Go ang magiging bida sa two-hour affair na ini­­hahandog ng Milo, Cig­nal TV at Philippine Sports Commission sa pag­tanggap nila ng Athlete of the Year honor na tradisyunal na iginagawad ng pinakamatandang media organization sa ban­sa.

Ang lima ang nagbigay ng apat na gold me­dals ng bansa sa nakaraang 18th Asian Games sa Jakarta at Palembang, In­­donesia noong nakaraang taon.

Ito ang ikalawang pag­kakataon na tatangga­pin ng 28-anyos na si Diaz, ang silver medallist noong 2016 Rio De Ja­neiro Olympics, ang pi­nakamataas na kara­ngalang ibinibigay ng Phi­­lippine sportswriting fra­­ternity, habang ito naman ang kauna-unahan ni­na Didal, Saso, Pagda­nganan at Go.

Sasamahan nina PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez at Philip­pine Olympic Com­mittee president Ricky Vargas ang PSA sa ilalim ng pangulo nitong si Eduardo ‘Dodo’ Catacutan ng SPIN.ph. sa pagbibigay parangal sa mga personalidad at grupong nag-angat sa bansa sa nakalipas na taon.

Ang Olympian at mul­­ti­-­titled gymnast at taek­­wondo jin na si Bea Lu­­ce­­ro-Lhuillier ang ta­ta­yong special guest of ho­nor at speaker sa gala night na suportado din ng Philippine Basketball Association, Mighty Sports, Rain or Shine, Chooks To Go, NorthPort, Tapa King at SM Prime Hol­dings.

Sina bowling great Oli­via ‘Bong’ Coo at cy­cling legend Paquito Ri­­vas ang tatanggap ng Lifetime Achievement Award, habang ang National Golf Association of the Philippines (NGAP) ang napiling National Sports Association of the Year.

Si Enrique Razon Jr. ng ICTSI ang gagawaran ng Executive of the Year Award at ang undefeated reigning UAAP women’s basketball champion National University Lady Bulldogs ang bibigyan ng President’s Award.

Ipapamahagi din ang mga Special Awards kagaya ng Mighty Sports Mr. Basketball (June Mar Fajardo), Mr. at Ms. Volleyball (Marck Espejo at Jaja Santiago) at Mr. Football (Neil Etheridge) pati na ang Mr. Fan Favorite ‘Manok Ng Ba­yan’ Award (Kai Sotto) at isang Special Recognition on Sports Journalism (Lito Tacujan).

Sina Alexandra Eala at Daniel Quizon ang kikilalaning Milo Male and Female Athletes of the Year, samantalang ang mga Tony Siddayao Awardees ay kinabibila­ngan nina Jessel Luma­pas, Micaela Jasmine Moj­deh, Marc Bryan Du­la at Czerrine Ramos.

Ibibigay din ang mga major awards at citations sa iba’t ibang sports at mag-aalay ng panalangin para sa mga sports perso­nalities na namayapa.

Show comments