MANILA, Philippines — Bibigyan ng Philippine Sportswriters Association ng Special Recognition para sa sports journalism si Lito Tacujan, ang pinagkakapitagang dating Sports Editor at Associate Editor ng Philippine Star sa SMC-PSA Annual Awards Night bukas sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Ang dating PSA president na si Tacujan ay nagretiro na sa The STAR noong nakaraang taon bilang sports editor ng 32-taon.
Siya ay isang sportsman na mahilig sa baseball at golf bilang produkto ng Canlubang, Laguna. Siya ay nagtapos ng journalism sa University of Santo Tomas at nagsimula ng kanyang sportswriting career sa Philippine News Agency, nagsulat sa The Times Journal, naging bahagi rin ng Manila Times, bago naging pioneer sports editor ng STAR noong 1986.
Kasama ni Tacujan ang 73 pang awardees na kikilalanin sa two-hour special ceremony ng pinakamatandang media organization na nagbigay kara-ngalan sa bansa noong taong 2018 na handog ng Milo, Philippine Sports Commission at Cignal TV na suportado rin ng Philippine Basketball Association, Mighty Sports, SM Prime Holdings, Tapa King, Rain or Shine, NorthPort at Chooks To Go.
Nangunguna sa 2018 PSA honor roll sina co-Athlete of the Year winners Hidilyn Diaz, Margielyn Didal, Yuka Saso, Bianca Pagdanganan at si Lois Kaye Go.
Special guest speaker si Olympian Bea Lucero-Lhuillier. Igagawad din ang President’s Award (NU Lady Bulldogs), Executive of the Year (Enrique Razon), NSA of the Year (NGAP), Lifetime Achievement Awards (Bong Coo at Paquito Rivas), Special and Major Awards, Citations, Fan Favorite ‘Manok Ng Bayan’ Award (Kai Sotto), Milo Male and Female Junior Athlete of the Year (Daniel Quizon and Alexandra Eala) at Tony Siddayao Awards.