MANILA, Philippines — Inaasahang aagaw ng pansin ang higanteng si Kai Sotto sa SMC-PSA (Philippine Sportswri-ters Association) Annual Awards Night sa Martes sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Ang 7-foot-2 high school student mula sa Ateneo ang magiging pinakabagong gagawaran ng Mr. Fan Favorite ‘Manok Ng Bayan’ Award ng sportswriting fraternity sa traditional gala night na inihahandog ng Milo, Cignal TV at ng Philippine Sports Commission.
Si Sotto ang ikalawang ‘Manok ng Bayan’ awardee na pararangalan ng pinakamatandang media organization sa pakikipagtambal sa Chooks To Go matapos si PBA star Terrence Romeo.
Ngayon pa lamang ay ikinukunsidera na ang 15-anyos na si Sotto bilang ‘future’ ng Philippine basketball dahil sa kanyang tangkad at talento.
Ang anak ni dating PBA player Ervin Sotto ang bumandera sa kampanya ng FIBA U16 Asian Championship sa Foshan, China noong nakaraang taon kung saan humakot siya ng 28 points, 21 rebounds, 3 assists at 3 block shots sa kanilang 72-70 quarterfinal win laban sa Japan na nagbigay sa Pilipinas ng tiket sa FIBA U17 World Cup sa Argentina.
Nakipagtambal din si Sotto kay Filipino prospect AJ Edu sa FIBA U18 Asia Championship sa Nonthaburi, Thailand para makapaglaro ang bansa sa FIBA U19 World Cup sa Greece.
Sa UAAP ay binanderahan naman ni Sotto ang Ateneo Blue Eaglets sa pagdagit sa 2018 juniors basketball championship at hinirang na Finals MVP.
Kinuha ni national coach Yeng Guiao si Sotto para maging bahagi ng training pool sa FIBA World Cup qualifiers at nauna nang isinama ni da-ting national mentor Chot Reyes sa 23-man Philippine pool na maghahanda sa 2023 World Cup.
Dahil sa kanyang potensyal ay nakatanggap si Sotto ng mga alok na maglaro para sa mga international ballclubs, kasama rito ang Real Madrid youth team.
Makakasama si Sotto sa 74 awardees na parara-ngalan kabilang ang mga Athlete of the Year na sina weightlifter Hidilyn Diaz, skateboarder Margielyn Didal at golfers Yuka Saso, Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go.