^

PM Sports

2-sunod sa Lady Maroons

Francisco Cagape - Pang-masa
2-sunod sa Lady Maroons
Ang atake ni Sisi Rondina ng UST laban sa tatlong Ateneo defenders.
Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Pinadapa ng University of the Philippines Lady Maroons ang Far Eastern University Lady Tamaraws, 25-18, 20-25, 25-22, 25-20 para masungkit ang solo liderato bagama’t nagwagi rin ang Ateneo Lady Eagles laban sa University of Santo Tomas Tigresses, 25-21, 25-18, 16-25, 25-22 kahapon sa pagpapa-tuloy ng UAAP Season 81 volleyball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

 

Nagpasiklab si Tots Carlos ng 15 puntos kabilang ang 12 atake at tatlong aces  para makuha ng Lady Maroons ang ikalawang sunod na panalo kasunod ng kanilang 25-12, 22-25, 23-25, 25-19, 15-12 panalo sa UE Lady Red Warriors, 25-12, 22-25, 23-25, 25-19, 15-12 sa opening day noong Sabado.

 

Ang Lady Tamaraws ay nakatikim ng unang talo sa dalawang laro at bumaba sa three-way tie sa ikatlong puwesto kasama ang UST Tigresses at Ateneo Lady Eagles sa parehong 1-1 win-loss kartada.

Umani si Madayag ng 15 puntos kabilang na ang siyam na atake at anim na blocks habang si Tolentino ay humataw ng 22 puntos, 16 nito sa atake, apat na blocks at dalawang aces para bumangon sa kanilang kabiguan sa opening game.

Ang Tigresses na bigong sundan ang kanilang five-set win sa Adamson Lady Falcons, 25-21, 25-21, 24-26, 24-26, 15-6 noong Linggo ay bumaba rin sa parehong 1-1 slate.

“Hopefully,  this is a stepping stone for us for a bright future,” sabi ni coach Oliver Almadro ng Ateneo na natalo sa archrival at three-peat champion De La Salle Lady Spikers, 14-25, 17-25, 25-16, 19-25 sa una nilang laro noong Linggo rin.

Tumapos si Rondina ng 20 puntos habang 12 naman kay Eya Laure at 10 sa Fil-Italian na si Melina Alessandrini para sa koponan ni coach “Kung Fu” Reyes ng España-based team.

Sa men’s division, naka-eskapo ang UST Growling Tigers laban sa Ateneo Blue Eagles, 25-18, 25-21, 22-25, 19-25, 15-12 upang angkinin ang unang panalo sa dalawang laro habang nasungkit naman ng FEU Tamaraws ang ikalawang panalo matapos pataubin ang UP Fighting Maroons, 25-13, 25-18, 23-25, 25-18 at makuha ang solo liderato.

UAAP

VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with