Risers naghari sa 1st leg ng 3x3 President’s Cup

MANILA, Philippines — Ginulat ng Bataan Risers ang pre-season champion na Pasig City-Grindhouse Kings, 19-18, upang pagharian ang first leg ng makasaysayang Chooks-to-Go-Pilipinas 3x3 President’s Cup kahapon sa SM Megamall Events Center sa Mandaluyong City.

Sa pangunguna ng mga collegiate stars na sina Sean Ma­nganti ng Adamson, Santi Santillan ng La Salle, Anton Asistio ng Ateneo at Alvin Pasaol ng University of the East, dinaig ng Risers ang 11 pang koponan sa unang leg ng torneo na bahagi ng prog­rama ng Samahang Basketbol ng Pilipinas para sa mis­yong makapasok sa 2020 Tokyo Olympics.

Winalis muna ng Bataan ang Quezon City-Zarks’ Jawbreakers at Bacoor Strikers sa group stage bago daigin ang Carga Valenzuela City Classic sa semifi­nals, 21-17, papasok sa one-game championship.

Hindi naging madali ang kanilang daan nang ma­lustay ang 16-11 abanteng naipundar ni Pasaol sa kalagitnaan ng 10-minute, race-to-21 halfcourt game.

Nagtulong ang Fil-American sensations na sina Taylor Statham at Joshua Munzon na mabura ng Pasig ang kanilang pagkakaiwan gamit ang 7-1 ratsada para maagaw ang 18-17 sa 55 segundo ng laro.

Sumaklolo naman si Santillan na kumamada ng dalawang sunod na puntos.

 

Show comments