^

PM Sports

Bigating mga laro magbubukas sa PSL Grand Prix

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines – Apat na koponan ang mag-uunahang ma­ku­ha ang unang panalo sa pagpalo ng Philippine Superliga Grand Prix ngayong hapon sa Yna­res Sports Arena sa Pasig City.

Matapos ang isang simpleng opening cere­monies sa alas-3 ng ha­pon ay kaagad aariba ang United Volleyball Club at Foton sa alas-4 at ang Sta. Lucia Realty at Generika-Ayala sa alas-6 ng gabi.

Tiwala ang Generika-Ayala na masusun­dan ang kanilang ma­gandang kampanya sa All-Filipino Conference kung saan umabot ang tropa sa semifinals.

Sasandalan ni head coach Sherwin Meneses sina Marivic Meneses, Fiola Ceballos at Patty Orendain kasama sina im­ports open spiker Ni­kolle del Rio ng Brazil at middle blocker Kseniya Kocyvit ng Azer­baijan.

“Our confidence is high. As much as possible, we want to give our local players a lot of opportunities in the Grand Prix. That’s why we tapped a middle blocker and an open spiker as im­ports. We want to re­ward our locals for a job well done in the previous conference,” wika ni Me­neses.

Hangad ng Lifesa­vers na makabalik sa Fi­nals sa taong ito matapos huling tumapak sa championship round no­ong 2014.

Ipaparada naman ng Sta. Lucia ang bagong coach na si dating Natio­nal University mentor Babes Castillo.

Optimistiko ang La­dy Realtors na mas magiging mabangis ang ka­nilang tropa matapos ma­bokya sa All-Filipino Conference.

Wala pa sa  100 percent si Filipino-Ame­rican spiker MJ Philips kaya’t aasahan ng Lady Realtors sina American imports Molly Lohman at Casey Schoenlein.

Makakasama ng Sta. Lucia sa pagkakataong ito ang bagong recruits na sina Adamson ace Amanda Villanueva at Ate­neo libero Rio Lo pa­ra makatuwang ni­na ve­terans Michelle La­borte, Rubie de Leon at Pam Lastimosa.

“I expect more ener­gy from the team now. We had a really good four weeks already and everything is working well in this team. The im­ports are also very young and energetic, so it’s really a good combination,” ani Castillo.

Nakasentro rin ang atensyon sa Foton at Uni­ted Volley.

Sa kabila ng pagka­wala nina Jaja Santiago at Dindin Manabat, nananatiling mabangis ang Tornadoes dahil kina im­ports Selime Ilyasog­lu ng Turkey at Courtney Felinski ng United States.

 

PSL GRAND PRIX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with